Gawang-Pinoy Na Mono Rail Tren - Mas Maganda At Mas Mura Kay Sa Gawang-China?

Our Philippine Correspondent, automologist Harold, strongly favors local-made over Chinese-made trains. Sobra na ang hirap na dinadanas ng...

Our Philippine Correspondent, automologist Harold, strongly favors local-made over Chinese-made trains.

Sobra na ang hirap na dinadanas ng mga Pinoy dahil lang sa maling uri ng tren galing sa China ang nadeliver sa MRT. Ito ang dahilan bakit sobra haba ng pila lagi sa MRT at palaging may sirang tren. Tanong ng marami bakit hindi dagdagan ang tren—Nandyan na ang mga tren, mali uri lang nga. Ito dahilan, sinisanti ng kasalukuyang administrasyon ang MRT consultant at mga opisyal ng Kagawaran ng Trasportasyon dahil sa kahunghangaing ito.

Pero ayaw tumigil ng China. Parang pag-aari nila ang Pilipinas, nag offer na naman sila mag tatatag ng 20-kilometrong monorail tren sa lungsod ng Iloilo. Ang pangunahing taggawa ng alternatibong sasakyan sa China, BYD, naglabas ng balitang ito bago magtapos ang 2017. Ang offer ng BYD, ay “Build-Operate-Transfer, at pinagmalaki nila ang kanillang bagong product “Yungui” (ibig sabihi Tren sa Ulap), na may kakayahang gumawa ng tren, maglatag ng riles, gumawa na mga estasyon at pamahalaan ng kanilang gawang siste ng komunikasyon.

Pero bakit natin kailangin ang gawang China, eh nung 2011, ang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST) at ang Pamantasan ng Pilipinas (UP) ay nag subok ng magpatakbo ng “Automated Guideway Transit System (AGT), umpisang kinonsepto mga 25 anyos, noong 1994, panahon ni Presidenteng Ramos kung saan ako ay Consultant noon ng DOST.

Yung unang bahagi ng AGT ay ginawa sa loob ng UP. Ito ang kaunaunahang mass transit na gawa ng lokal na mga inventor at enhinyero. Ang proyektong ito ay 6.9 na kilometro, na may mga sakayan at babaan sa loob ng kampos ng UP at, balak palitan nito ang mga mausok at nagigiba ng mga jeepney.

UP DILIMAN’S “New Wheels” on its Quezon City campus took riders (from left) Science Secretary Mario Montejo, UP president Dr. Alfredo Pascual, Science Assistant Secretary Bob Dizon, UP vice president for development Elvira Zamora and UP vice president for public affairs Prospero de Vera for a short spin during the test run of the Automated Guideway Transit (AGT) on Friday.—Philippine Daily Inquirer

Ang pagpapalaganap ng AGT Elevated Monorail System ay isang malaking kontribosyon sa pagtatag ng maayos at tamang Mass Transportation System sa bansa at makatulong ito maibsan ang napakalala ng trapiko sa Pilipinas. Sa kwenta ng mga dalubhasa, ang AGT Monorail ay mas mura at madaling gawin kay sa MRT. Bagay ito sa lugar tulad ng Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao kasi mas kaunting lupain ang kailangan kaysa elevated skyways at MRT’s. At, kayang gawin ito gamit ang mga lokal na materyales at talento. Puede ngang mas mura ang kalabasang pamasahe nito kay sa jeepneys.

Ang AGT Monorail project ay puedeng e-upgrade para maging rapid transit system para sa mahahabang rota, tulad ng Antipolo hanggang Bacoor Cavite. Ito ay electric-powered, walang driver na kailangan, fully automated at may gumang gulong para riles nya. Ito ay walang maidudulot na damage sa kalikasan. Yung unang projecto sa UP ay dalawang tren lang na may kargang 60 na pasahero kada tren, pero puede ito gawing 10 tren na tag 100 ang pasahero para sa malalayo na distansya.

Ito ay puede ikabit sa pinaplanong Subway System ng gobyerno at e-inter-link sa tamang MRT system. Ang napatunayan na sa buong mundo na sulosyon sa trapiko ay ang isang tamang gawa, tamang systema, tamang programang mass transport system.

Ito ngayon ang tanong ko, kung ang gawang pinoy ay mas mura, mas maayos at mas maganda kay sa gawang-China, bakit pa tayo bibile sa China? Puede nga tayo mag export nitong ating tren sa ibang bansa eh. Baka naman grabe mag lobby and mga Tsino na mahirap tanggihan ng administrasyon ni President Duterte.

Kailangan ng political will para ma punduhan at ma expand ang proyektong ito sa lalong madaling pahanon. Kailangan ng local investors dito. Alam ko kung ito ay itulak ni Presidente Duterte, bibiles ang implementasyon nito.

Sana aabot sa atensyon ni Tatay Digong ang proyektong ito na may mura at mas mabuting tren na gawang-Pinog, kay sa Gawang-China!


Related

transportation 9134304334619731838

Post a Comment

emo-but-icon

sponsored by

Hot in week

Connect With Us

item