https://automology.blogspot.com/2017/03/9-na-tipid-tips-para-sa-mga-may-sasakyan.html
Pag madalas ang punta mo sa gasolinahan, siguradong ubos pera mo. Matakaw ba sa gas sasakyan mo? O baka hindi mo lang alam na merong mga napatunayan ng paraan sa pagtitipid? Tandaan mo itong 9 na pinaka epektibong tips sa pagtitipid:
1. Planohin ang mga Lakad—Bawasan ang Dami ng Byahe
Ang maraming maiiksing byahe ay mas matakaw sa konsomo ng gas kay sa isang mahaba na biyahe. Mas mataas ang konsomo ng kotse sa unang 5 kilometro. Iwasan ang maiiksing byahe para lang sa mga hindi gaanong importanteng bagay tulad ng pagbile ng dyaryo, cigarilyo, alak or mabilis na punta sa convenience store. Pagsabayin ang ibat ibang maliliit na lakad sa isang maayos na nakaplanong mahabang byahe. Imbis na madalas na punta sa tindahan, mag grocery lang isang beses isang linggo or isang beses isang buwan. Kung kayang lakarin lang kay sa magkotse, lakad nalang, mas maganda pa sa katawan.
|
Skip the rush hour to avoid traffic jam. |
2. Huwag Makisabay sa Rush Hour
Yung “hinto-takbo” (stop and start) sa mabagal na trapik ay napakatakaw sa gas. Lumalamon kasi ng maraming gas tuwing pinapatakbo ang sasakyan galing sa paghinto. Umalis ng mas maaga para maiwasan ang traffic jam o palipasin muna ang traffic jam bago umalis. Kung gusto mo talaga makisabay sa traffic jam, gumamit ka mga hybrid na kotse para mas matipid.
3. Isarado ang Bintana
Ang korte o shape ng sasakyan ay nakadesenyo para ma-optimize ang speed o para bumilis ang takbo—ang tawag nito ay “aerodynamics” Pag nakabukas ang bintana, bumabagal ang takbo (ang tawag dyan ay drag) at dahil dyan mas maraming gas ang kailangan sa parehong speed.
|
Not the most aerodynamic vehicle. |
4. Tanggalin ang mga Nakapatong sa Ibabaw ng Sasakyan kung Hindi naman Kailan
Pag maraming nakapatong sa sasakyan tulad ng “roof rack” at iba pang “fixtures”, tumataas yung sabi kong “drag” sa sasakyan kaya dahil doon tataas ang konsomo. Tanggalin itong mga accessories na ito pag hindi ginagamit at ikabit lang pag kalian na.
5. Tanggalin ang Mga Hindi Kailangan sa Loob ng Sasakyan
Ang hilig natin nagiiwan sa trunk ng sasakyan natin ng iba’t ibang gamit tulad ng aklat, magazines, mga gamit sa ofis at bahay at ibat ibang personal na bagay. Tulad ng katawan ng tao, mas mahirapan tayong tumakbo pag may dagdag tayong bigat na dala. Kaya pag mas mabigat ang sasakyan, mas matakaw ito sa gas. Dapat ibaba natin sa sasakyan ang mga hindi importante.
|
Step on it...smoothly. |
6. Dahan-dahan sa Pag-Accelerate
Ang sasakyan ginawa na halos pareho (consistent) ang takbo. Hindi yung pabigla-bigla ang apak sa silinyador. Lalo tuwing matrapik, hinay hinay lang sa apak.at iwasan ang “pedal to the metal” na estilo.
7. Patayin ang Air-Conditioning Pag hindi Kailangan
Sa Pilipinas laging kailangan ang air-con dahil sa sobrang init except tuwing December, January o early February kung saan malamig ang panahon. Patayin ang air-con pag hindi gaanong mainit. Huwag lagi naka todo (maximum) ang aircon, mas maganda hanggang gitna (mid number) lang.
|
Check your tyre pressure. |
8. Siguraduhing Tama ang Pressure sa Gulong
Pag mababa ang pressure ng gulong, mas nahirapan ang sasakyang tumakbo at dahil dyan naging matakaw ang konsomo sa gas. Dapat laging pinapa check ang gulong, mas mabuti tuwing linggo. Para malaman ang tamang pressure sa sasakyan mo, merong “tyre pressure guide sticker” sa driver’s door frame o sa owner’s manual.
9. Panatiliing Maganda ang Kondisyon ng Iyong Sasakyan
Ang regular na “Engine Maintenance” o pag punta sa Service Center ay mas mura pa rin kay sa gastos ng biglaan at malala ng sira ng Sasakyan. Pero para sa mas mabuti pang engine maintenance, subukan ang mga produkto ng aming sponsor X-1R performance enhancing lubricants,--murang paraan ng pangangalaga sa sasakyan. Binibigyan nito ang sasakyan nyo ng mas mabuting “lubrication” kasi pinapababa nya ang “friction” at init (operating temperature) ng makina.