5 Bagay HUWAG MONG GAWIN Pag Nakamotor!

Ang pagmomotor ay isang nakakaenjoy na gawain. Ito rin ang pinakamura at pinakamadaling siste ng paglalakbay kaya kita natin ang pagdami ng ...

Ang pagmomotor ay isang nakakaenjoy na gawain. Ito rin ang pinakamura at pinakamadaling siste ng paglalakbay kaya kita natin ang pagdami ng mga motor sa nakaraang sampung taon. Pero meron ka dapat tandaan: May mga bagay kang dapat HUWAG GAWIN:

Larawan galing sa: cheatsheet.com

1. HUWAG MAGPATAKBO NG MATULIN, GUMAMIT NG TAMANG LANE

Sabi ng karamihan, pag nakamotor ka, isang paa mo ay nasa hukay na. Pag nagpatakbo ng 60 km/h sa kalye okay yan, pag 160 km/h sa karerahan okay din. Pero pag 160 km/h sa kalye—pagpapakamatay ang tawag dyan. Tandaan, sundin ang tamang speed limit na tinakda ng batas at dumaan sa mga tinakdang daraanan ng motor, huwag yung lusot ng lusot. Planohin ang rota.

Crazy rider speeding through traffic - Larawan galing sa: Green Machine YouTube channel

2. HUWAG MAGMOTOR PAG NAKAINUM

Lingo lingo nakakita ako ng bumabulagta sa Ang pagmomotor as delicado na, ang pagiinum ay nakapanghina ng mga reflexes tapos mag maneho kang nakainum—cemeteryo tungo mo nyan. Ang pagmomotor ng nakainum ang pangunahing dahilan ng aksidente sa buong mundo. Huwag paghaluin ang pag momotor sa pagiinum.
Huwag uminum pag nakainum – Larawan galing sa: wetravelandblog.com

3. HUWAG PASIKAT.

Ang pagpasikat sa kalye ay gawain ng mga irresponsable. Maraming humaharurot dyan at ang ingay ingay. Meron paekes-ekes ang takbo. Meron pina talon at angat ang motor wari moy nag exhibition sa kalye. Gawin maayos, responsable at magalang ang pagmomotor.
Itong motorist na ito at na aresto, ang motor niya na impound ng pulis sa Australia - Larawan galing sa: www.abc.net.au

4. HUWAG SUBUKAN ANG “POWER” NG MOTOR SA DAAN

Nakakaenjoy kasi magmotor kaya gusto natin subukan gaano ba kagaling, kahusay at ka powerful ang motor natin. HInahataw natin na mas matulin pa sa kotse. Kung talaga gusto mo gawin yan, sa race track mo gawin kasi completo sa safeguards doon. Sa kalye maraming biglang tumatawid, biglang may asong nakawala at mga motoristang nagmamadali. Baka mapapadali din ang pag kita niyo ng Panginoon.
Motor na aksidente - Larawan galing sa: Motorcycle Passion YouTube Channel.

5. HUWAG MAYABANG SA DAAN

Maraming nababaril dahil sa kayabangan. Maging mapakumbaba, respetado, “courteous” pag nagmamaneho ng motor. Huwag gumawa ng mga bagay na ikaiinis ng ibang katabing motorista baka ikaw ay makahanap ng may tupak na katapat.

Ika nga ang pagmotor ay dapat ginagawa sa tamang asal at paguugali. Ang ugali mo ay lumalabas sa pagmotor mo. Pag insecure ka, pasikat ka sa pagmomotor. Pag mayabang ka, kita sa pagmamaneho mo. Pag magalang ka, kita rin yun.

Kung gusto mo pang mabuhay ng matagal, ayusin ang pagmomotor.
Ang nagmomotor tinutukan ng baril ng drayber ng kotse - Larawan galing sa: www.autoblog.com


Related

philippines 2170466962003313867

Post a Comment

emo-but-icon

sponsored by

Hot in week

Connect With Us

item