Napatunayan Na Naman: Sa X-1R Makakatipid Ka Ng Gas

Kahit ang dami ng mga pagsaliksik at pagaaral na nagpatunay na talagang ang X-1R ay napakagandang producto at suportado ng mga research...


Kahit ang dami ng mga pagsaliksik at pagaaral na nagpatunay na talagang ang X-1R ay napakagandang producto at suportado ng mga research at test ang mga sinasabing beneficio na makamtan ng mga gagamit ng X-1R, tuwing merong bagong kyente, lalo na yung malaki at kilalang kompanya, gusto nilang ulitin ang ibang test sa kontexto ng kanilang operasyon para mapatunayan na talagang totoo and mga claims ng X-1R. Para bang hindi pa sapat na ginagamit na ng NASA ang X-1R sa loob ng 22 taon na ngayon at milyon milyon na ang customer ng X-1R sa halos lahat ng bansa sa buong daigdig .

Kamakailan lang, pinamahalaan ni Harold Ledda, taga panguna ng X-1R sa Gitnang Silangan ang pagsusulit sa Mitsubishi Qatar. Dalawang sasakyan ang isinalang sa Compression Test: Isang medyo bagong Mitsubishi Outlander na may 30,000 kilometro ng natakbo at isang lumang Mitsubishi Lancer na nakatakbo na ng 135,000 kilometros. Parehong sasakyan ang medyo may pagbaba na ng power, pagbubuga ng tumataas na lebel ng masasamang usok at tumataas na konsumo ng gas. Matapos itong nilagyan ng X-1R Engine Treatment ay nagkaroon ang Mitsubishi Outlander ng pagtaas ng compression or pagpiga ng 12% at sa Mitsubishi Lancer ay tumaas ng 27% sa lahat ng silndro ng makina. Ang ibig sabihin nito ay: tumaas ang power o lakas ng makina at gumanda ang konsumo sa gas ng dalawang sasakyan. Dahilan, upang gamitin na ng Mitsubishi Qatar ang X-1R sa kaninlang preventive maintenance package.

Ano nga ba ibig sabihin ng “Compression” sa makina? Ito ang lebel ng pwersa o pagpiga ng pagsabog sa loob ng chamber na kinalalagyan ng piston. Ang sukatan nito ay PSI or pound per square inch—puersa kada kwadrado pulgada. Ang Compression o Pagpiga sa makina ay nababawasan habang tumatanda ang makina. Ito ay dahil sa mga gasgas at pilas sa silindro lalo na kung ang silindro ay tumitigil na sa pagtaas at bigla ng bababa agad. Ang tawag dito as Top Dead Center (TDC)—at ito ang ponto na napakaliit ang pampadulas, mataas ang temperatura at matindi ang friction. Sa kalaonan, dahil sa kakulangan sa pampadulas (lubrication) and selyo ay masisira at magkaroon ng tagas ng pagpiga at lulusot sa mga singsing ng silindro ang gas papunta sa langis. Dyan magumpisa ang pag babawas ng lakas ng makina.

Ang tawag dito ay “Combustion Leakage” or “Blow-by” o Tagas sa Pagpiga.Pag nagkaganito na ang makina, hindi lang tataas ang konsumo ng gas at nawawalan pa ng lakas ang makina, susunogin pa nito ang langis sa silindro at uusok ang sasakyan. Pag meron ng Pagtagas sa Pagpiga ang sasakyan natin, ramdam natin ang kawalan ng hatak, tumitindi ang usok, mababang idling at humihinang lakas ng makina. At ubusing sunogin nito and langis.

Napatunayan na kayang ayusin ng X-1R Engine Treatment ang mga gasgas at pilas sa silindro ng makina at selyohan ng maayos ang pagitan ng piston at pader ng silindro. Ang X-1R ay e-absorb ng bakal at pakikinisin nito ang microscopic na uka uka sa surface ng bakal upang magkaroon ng mas matigas, makinis at madulas na load-bearing surface. Dahil, dito mababawasan ang friction, bababa ang pagkagasgas at pilas ng surface ng bakal at makakatipid ka sa konsumo ng gas.

XTaglay ng X-1R ang EP ( Extreme Pressure) agents na nagbibigay ng kakaibang protreksyon at pampapadulas na hindi kaya ng ordinaryong mineral o synthetic na langis. Pinapakinis ng EP ang surface ng bakal, winawala ang metat-to-metal contact tuwing nasisira ang “liquid hydrodynamic oil film” dahil sa bigat ng karga o puersa.

Kaya ang X-1R ay ang tanging pinaka advance ng formulasyon na nakakaayos ng microscopic na tagas mula sa silindro. Kayang e-lubricate kahit ang silindro ay nasa TDC. Ang resulta ay mataas na compression, nawalang blow-by, mas maayos na combustion upang ang sasakyan ay parang bago ulit.


At yan ang dahilan na nababalik sa tamang lebel ang compression at gumanda ulit ang konsumo ng gas. Makakamangha talaga ang X-1R, di ba?

Full report can be found at Restoration of lost cylinder compression using X-1R products

images: busplan.cc; theaa.com


Related

x-1r 7064904195824592548

Post a Comment

emo-but-icon

sponsored by

Hot in week

Connect With Us

item