Pinakaunang DRONE TAXI sa mundo umpisahan na sa Dubai, ITO ANG DAPAT SA MANILA

Ito yung mas maganda pa kay sa Uber at Grab Taxi-- isang lumilipad na taxi. Ang tawag ay Drone Taxi. Talonin nito yung mga bagong kotse n...



Ito yung mas maganda pa kay sa Uber at Grab Taxi-- isang lumilipad na taxi. Ang tawag ay Drone Taxi. Talonin nito yung mga bagong kotse ngayon na hindi na kailangan ng driver. Baka sa susunod na buwan ang Autonomous Drone Taxi service ay umpisahan na sa Dubai.


 
Ang brand ng mga Drone Taxi na ito ay EHang 184—gawa sa China. Kagagaling ko lang sa Dubai nung isang araw at nakikitang lumilipad ang mga sample units ng Drone na ito sa panulukan ng Burj Khalifa, ang pinakamataas na gusali sa mundo. Hanggang 100 kilos lang kaya ng drone na ito, hindi puede sa mga mabibigat ang timbang. Isang pasahero lang ang puede isakay. Pipili ka lang sa screen kung saan ka pupunta, at lilipad ang drone papunta sa destinasyon mo sa napakadaling panahon—walang trapik. 


Mabilis ito kay sa kotse--160kph ang bilils nya at may battery life na 30 minutes – kayang lumipad sa distansyang 50 kilometres - at controlado ng 4G mobile internet. Kaya safe siya. Palagi na kasi sinasakyan ito sa Dubai. Ang Dubai kasi ang isa sa may pinakamalaking grupo ng Drone Hobbyists. Sa totoo lang, hindi pa ito aprobado ng USA FAA pero hindi nagaalala ang Dubai authorities.

Sa tindi ng trapilk sa Manila, sa palagay ko ito ang dapat. Ang dali mong makarating sa patutungohan mo. Pero sa tingin ko mahal ang pamasahe pero tiyak na mas mura naman ito kay sa helicopter.

Baka naman lilipat ang trapik sa ere. At pag nagbanggaan sa ere, baka mabagsakan tayo.

Images: ColdFusion YouTube; Dubai.com  
 

Related

philippines 5653260032461338958

Post a Comment

emo-but-icon

sponsored by

Hot in week

Connect With Us

item