Papayag Ka Ba I-Phase Out Ang Mga Jeepneys?
https://automology.blogspot.com/2017/05/papayag-ka-ba-i-phase-out-ang-mga.html
Ang jeepneys na may kabuuhang bilang na mahigit 100,000 ay ginagamit ng 40% ng mga Pinoy, karahiman mga mahihirap at ordinaryong mamayan. Ito ang nakagisnang pinaka murang transportasyon na nagkakahalaga lang ng P7.50 kada 4 na kilometro. Pero sa totoo lang, mahirap, mainit at masikip ang pagsakay ng jeepney. Hindi kombeniente at langhap mo pa ang pollution.
Ang jeepney ay nagumpisang sumikat matapos ang World War II. Yong lumang American Jeeps ay kinonbert para maging sasakyang bayan Ngayon naging simbolo na ang jeepney ng Kulturang Pilipino sa ibang bansa. Pag Pilipinas galing ang turista, isa sa pinaka pinagmamaling souvenir nila ay yung miniature jeepney.
Pero ang problema ay ang mga jeepney din ang isa sa mag pangunahing sanhi ng matinding trapik dahil tumitigil sila kahit saan nila gusto basta may nakikitang pasahero—at ang tawag nila doon ay hanapbuhay, ang tawag ko doon—WALANG DISCIPLINA. Expert sila sa pagpapabagal ng trapic malapit sa mga intersection at kung minsan nagkukumpulan sila sa mataoong lugar at wala sila pakialam na ang haba na ng naabala nila na kasunod nila.
Dagdag pang problema ay ang mga makina ng jeepney na murang surplus engines, na walang tamang maintenance at bumubuga ng nakakalasong usokl sa hangin. Meron pang mga jeepney na akala mo magigiba na sa kalumaan.
Nandyan pa ang mga notorious na jeepney driver. Sabi nila pag “jeepney driver, sweet lover” daw. Maniwala ka dyan. Maraming bastos, walang disclipina, walang modo na jeepney driver. Hindi ko naman linalahat.
ANG TANONG NGAYON, ANONG GAGAWIN NATIN SA MGA JEEPNEY? ITO ANG MGA PANUKALA:
- I-Phase Out ang mga jeepneys at palitan ng bagong ELECTRIC AT AIRCON na jeepney na halos ganon pa rin ang design nito. Maging convenient na at wala pang pollution. Pero baka dodoble ang pamasahe.
- Tanggalin na lahat ng jeepney sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao at sa mga probinsya lang gagamitin para hindi mawalan ng hanap buhay ang mga “sweet lover drivers”
- Unang gawin ay yong mga jeepney na sira sira na sa body at makina, tawag sa batas “not fit for public conveyance” ay dapat i-impound agad or alisin sa kalye kasi nagdudulot ito ng piligro. Ang medyo okay pa ay ilipat ang prankisa sa probinsiya at ang mga bagong Electric and Aircon sa Manila, Cebu, Davao at Baguio.
- Maglaan ng “LOADING AND UNLODING” para jeepney. At doon lang puede sumakay at bumaba. Dapat ipatupad ang batas strictly.
- Hindi lang kompiskahin ang license ng driver (kasi maraming pekeng license sila) pag may violation, kundi i-impound ang jeep pag may violation para tamaan hanap buhay nila at ang kanilang operator para matuto silang sumunod sa batas trapiko.
- Mag suot ng maayos na damit and sapatos ang mga driver para hindi mukhang holdaper.
- Tanggalin ang mga illegal na jeepney terminal. Ang kalsada ay hindi terminal.
SA AMING MGA MINAMAHAL NG X-1R CUSTOMERS AT AUTOMOLOGY READERS, GUSTO NAMIN MALAMAN ANG INYONG OPINION, PUEDE BANG MAG COMMENT KAU PARA MAPAABOT NAMIN SA KINAUUKULAN KUNG ANON NARARAPAT GAWIN SA MGA JEEPNEYS.
image source: filipinoaustralianjournal.com.au
Maayos ang mga naka saad na solusyon. Sangayon ako sa mga nasabi at pinaka maka totohanan ay ang sobrang kawalan ng disiplina ng mga drivers. kulang pa nga ang pinaka grabeng mang cut sa kalye, jeep. walang pakialam yan kung mabundol mo sya basta sa kanya pag galing sya sa right lane naka tigil, bigla nalang yan aandar at pupunta sa middle lane ng walang tingoin tingin..SANA MATULOY ANG PLANO AT IPATUPAD ANG BATAS..
ReplyDelete